Friday, January 13, 2012

Ensogo: D' Spa and Skin Center: Warts Removal Experience


Finally!  Na-avail ko na ang Ensogo voucher ko -- unlimited warts removal sa D’ Spa and Skin Center.  Bought it for P499.00 and valid daw yun per area, meaning I can choose from face, neck, chest or abdomen.  I chose to have it done on my face and then, nag-add ako ng P500 para include na rin ang neck.



Sa main office/ branch nila sa Project 8 ako nagpa-reserve, below is their address and contact numbers.

D’ Spa and Skin Center 
48 Short Horn Street, Barangay Toro, Project 8, Quezon City
Phone Nos.  (02) 453-0739 or 0918-2780495

How to get there:

From Muñoz Market (Roosevelt-EDSA), sakay ka ng jeep na may signboard na Project 8.  Dadaan yun sa Shorthorn St., since dun talaga ang ruta nila.  Right side siya and kahilera ng Mightee Mart. Hindi ka makakarating ng Road 20. Where’s Road 20? Kapag nakita mo yung McDonald’s, Road 20 na yun at ibig sabihin lagpas ka na! Kailangan mo na maglakad or sumakay pabalik.

The Experience:

I arrived there 15 minutes late kasi lumagpas ako!  Umuulan and hindi kasi naka-on yung signage nila kaya hindi ko napansin na lumagpas na pala ako. Ngayon, alam niyo na kung bakit nilagyan ko ng direction on how to get there, lol. 

Since, I did a reservation the day before, naisalang naman ako agad.  Just waited mga 5 minutes para iprepare yung room. And voila! Start na ng session. 

Maliit lang yun room, mga 6sqm, and with 2 beds inside.  Merong isang girl na for facial kaya meron akong kasama sa mini room nila.  Okay lang ang ambience, napansin ko amoy kulob yung clinic.  Hindi siya yung usual na amoy aromatic scents. 

The Procedure:

1. Inapplyan ni beauty attendant ang face ko ng topical cream anesthesia, then tinatakpan niya yun ng adhesive plastic tape (read:  scotch tape) na nakalagay pa sa tape dispenser, lol.  Oo, yung scotch tape mismo kaya puro plastic ang fez ko nun.

 2. Kelangan daw ma-absorb yung anesthesia kaya I have to wait for 30-45 minutes.  Iniwan muna ako ni beauty attendant. Nabato at todo bored ako promise. Walang wifi sa room, no reading materials. Wala ako sa mood to take a nap kaya naglinis na lang ako ng incoming messages sa cp ko. At sa kabatuhan ko, napagbalingan ko ng pansin yung girl na iniwan with facial mask. Natuwa ako kasi parang may tunaw na ice cream sa mukha niya.

mudpack beauty! hindi maayos pagkakalagay ng facial mask, tsk!
parang tunaw na ice cream hehehe...

3. After 45 minutes, sa wakas, bumalik si beauty attendant! Inalis niya isa-isa yung tape sa face ko then gently wipes the anesthesia cream with a cotton. By area ang punas niya then cauterize. Hindi siya ganun kasakit pero ramdam minsan na parang kinakagat ka ng langgam na malalaki, lol! Tapos amoy sunog. I asked the beauty attendant if ano ang voltage ng ina-apply niya sa face ko, hindi daw niya alam.

sunog dito, sunog dun!

4. It took about 20 minutes bago matapos ang pagcauterize sa mga salbaheng warts na nasa face and neck ko. Then, she applied post ECT cream which she calls anti-inflammatory.

5. Punta ko sa counter to pay the additional P500 fee for the neck and bought the Post ECT cream which I have to apply until mawala ang mga tigidig sa face ko. It costs P200.



The verdict:
Mukha na akong may bulutong. Hopefully, walang maiwang scars ito.  *cross fingers*


Score: 5.0 highest; 1.0 lowest

Service - 3.5 / 5 (okay lang, passing grade na)
Location - 4/5 (accessible to public transport - jeep and taxi)
Treatment done - to be determined pa, if hindi ako magkakapeklat.  *grin*
Value for money - 4/5 (I saw lower deals compared to this one).

Will I go back?  Maybe, if this treatment is successful.


6 comments:

Unknown said...

hi..just had mine yesterday..same procedure and experience..kamusta n face mo ngaun?..ilang araw o weeks bago nawala lahat ng marks?..you can text me at 09156833143..im jordine from QC..:)

4evernewbie said...

Hi! Sorry very late reply na. Ok naman yung nangyari, no peklats n naiwan.. ikaw?

Unknown said...

Hey enormous stuff or pleasant information you are offering here. click here

Mike Shaw said...

Your Blog Posts Information is Very Nice I like it check my site Here

Unknown said...

Great, thanks for sharing this.
HerbalEat

Unknown said...

Ask ko lang makati face mo ba maam after ng ilang days

Post a Comment

Template by:

Free Blog Templates